Friday, July 14, 2006

Isang tagumpay

Pumasa na ako ng IELTS (English exam)!!! Kahapon ko lang nalaman. Nanginginig nga ako habang binubuksan ko ang envelope. hehe.. So, magtatagalog na ako ngayon, haha. Biro lang. Buti naman, salamat talaga kay Lord. At least tapos ko na lahat ng exams ko dito. Ngayon maaaring employer na lang talaga ang kulang para masimulan na ang pagproseso ng aking papers bilang RN... =) Ngayong araw din ako mag-aapply ng VisaScreen para handa na ang lahat. Baka sakali kaseng magbibigay ng go-signal ang lawyer na maghanap na ako ng employer, eh di ready na ako. Habang maaga kukuha na ako nun, kase ang alam ko mga isang buwan mahigit din ang pagproseso nung VisaScreen. Nakakatuwa lang, wala na akong exams na i-woworry pa, sa ngayon. Siguro yung mga Continuing education na lang sa susunod. Sana talaga maging ok na, para makapagsimula na.

4 comments:

Jigs said...

Was it hard? Baka kasi magtake din ako ng english proficiency in the near future. Waaah! bigla tuloy akong ninerbiyos!

juicypapaya said...

wow. congrats! hehe. sana nga tuluy-tuloy na. wag ka makakalimot pag mayaman ka na ha! :)

ravishingkat said...

salamat sa inyo.. :)

@ jigs - mahirap sya actually.. i found reading hard and listening a bit hard too. for me speaking yung pinakamadali. but u just study, i mean practice. yun yung technique in order to pass it - a lot of practice. =) Goodluck!

@danlen - haha.. sympre hindi ako makakalimot. tsaka kaw din MD ka na din in few years time. hehe. i'll see u someday doctor. =)

Unknown said...

congratulations! and nice vacation pics you have here also! thanks for sharing ;)