Tuesday, June 20, 2006

Senti

Ang saya ko ngayong araw, wala lang.. Last week talaga parang gumuho ang mundo ko. Sobrang lungkot ko to the point na hindi mo madadrawing yung mukha ko. Nah, hindi naman siguro.. exagg naman yun. Magaling naman kase ako magtago ng problema. Marunong pa rin akong ngumiti kahit na deep inside eh sobrang hurt na. Pero minsan nasa dalawa lang din yan. Maaaring nasa loob lang ako ng kwarto ko buong araw o di kaya magyayayang lumabas para maging busy. Pero pag may problema, ayoko talagang ipinatatagal pa. Gusto ko resolved na kagad as much as possible.

Well, nakikita ko nga mga changes sa akin ngayon eh, and medyo natutuwa naman ako. Kase dati, talagang hindi ko nasasabi yung mga saloobin ko. Sobrang itinatago ko lang lahat at inaantay kong mawala. Pero masarap pala yung feeling na nasasabi mo lahat noh, kase para kang nabubunutan ng tinik. Hay, nagiging mature na nga talaga.

Pag bored ka nga naman, ang dami mong puwedeng isipin. Nakakapraning talaga. Kahit hindi ko naman dapat isipin, eh naiisip ko. Hay... Pero at least, ok na ako ngayon and medyo masaya na. Medyo lang kase namimiss ko pa rin si Jed. Nakakalungkot ang layo namin. Ang hirap. Gusto mong yakapin yung mahal mo, kaso hindi mo magawa. Gusto mong manuod ng sine kasama sya, kaso hindi naman pupuwede =( Nakakaiyak lang minsan. Pero siyempre ganun talaga, iniisip ko na lang With love and patience, nothing is impossible, sabi nga ni Daisaku Ikeda. Sana bumilis din ang oras. Tsaka sana talaga makakapag-antay ang bawat isa. Kaya naman sa kung kaya. Ang kinatatakot ko lang eh baka may mainip o baka may sumuko, o di kaya'y baka may makatagpo ng panibagong magpupuno ng pagkukulang. Ayoko naman sana mangyari yun. Basta ang alam ko lang habang may pagmamahal nga, kaya. At tsaka optimistic naman ako doon.

Eto nasesenti ako, kase yung pinakikinggan kong music eh senti. hehe. Pero yun lang, share ko lang naman. Miss ko na sya!!!! Ahhhhhhhh....

No comments: