Tuesday, June 13, 2006

Missing my friends

Nakakamiss ang mga kaibigan sa Pilipinas. Last week pala, nagchat kami nina Liway, Max and Alex sa YM! Nakakatuwa kase we had a conference, and each of us has a mic, so parang 4-way kaming apat. Sayang wala yung iba... Pano kaya kung buong barkada noh? eh di ang gulo, haha! Malabo nga lang mangyari yun kase 12 kaming lahat. hehe. Ayun, kung anu-ano ang napapag-usapan namin, mga updates ng buhay-buhay. Tatlo na din pala kami sa barkada ang nakapasa sa NCLEX, pero si Max pa lang ang pupuwedeng magtrabaho.

Si Roch naman na girlfriend ni Alex, nasa California, and magwowork na rin. Si Alex malapit na din once ok na ang IELTS. Ako, hindi ko pa alam ang kapalaran ko, kung uuwi pa ako ng Pilipinas. Bahala na si Lord dun. Ipinagdarasal ko na lang na ibigay Nya na lang kung anong best.

May ginawa pala akong testi kay Jed dati, ang cute, hehe.. Wala kase talagang magawa.. Namimiss ko na din siya..

Photobucket - Video and Image Hosting

Hay.. nakakamiss lang. Nakakalungkot talaga pag walang kaibigan dito.
Namimiss ko din ang barkada ko - sina Tintin, Mimi, Girl and Chippy. Iba talaga pag sila yung kasama ko, imagine we have our friendship and it's still strong for about 17 years already. They are the best. Sana eh pumunta si Chippy dito ngayong year. Conflict kase sa sched nya, pinayagan na sana siya ni ninang.

Siyempre, namimiss ko din ang company nina Hiyas, Ted, Cat, Astrid and Colet. Sana ok silang lahat and sana andito na din sila. Siguro ang saya nun noh. I'm positive that in time talaga..

No comments: