Friday, October 06, 2006

nakakatamad na nakakatuwa

Nakakatamad ang araw ngayon. Biyernes na biyernes, pero wala akong balak gawin mamayang gabi. Hayyy.. Nagluto pala kami ng mom ko ng palabok! Yumyum! Tumulong ako sa kanya, kase gusto ko rin matuto. Madali lang pala eh, sus! hehe. Basta eh gamit ang Mama Sita's. Tapos gumawa pa kami ng fruit cocktail with almond jelly, at may ginawa ring kaldereta ang daddy ko kanina. Ang dami nga ng pagkain eh. Nakakainis kase kumain na ako kanina ng lunch (yung kaldereta na may kasamang kanin pa, tapos yung left over na peking duck). Di ko naman alam na magluluto kami ng palabok. hehe. Nakakasira tuloy ng diyeta, dapat di na ako nagkanin kanina. Haha! Oh well, para sa merienda/dinner na lang yung iba.

Photobucket - Video and Image Hosting

Ano ba ang magandang gawin ngayon? Promise, nakakatamad. Baka magswimming na lang ako maya-maya, tutal maaraw pa naman. Hindi ko pa ramdam na fall season na. Parang summer pa rin, hehe. Tapos kapag magwiwinter na, baka magkakasakit ako nito, sa sobrang pag-adjust sa klima, kase malamang eh sa Chicago na ako magpapasko. Eh hello, may snow kaya dun diba, tapos malamigin talaga akong tao at madaling sipunin. Pero alam kong magiging masaya kase White Christmas. Tsaka Pasko yun eh. Yup, the fact na Pasko nakakaexcite, hehe. Labo ba? Pero di nga, kase 'pag naririnig ko yung mga kanta eh nakaka-uplift ng spirit, tapos nakikita mo yung mga bahay na maliwanag sa gabi dahil sa mga decors and lights. Basta masaya lang. Wala pa namang mga Christmas songs dito ngayon. Sana nga meron na eh. Malamang mga November pa. Pero diba sa Pilipinas, mga October pa lang eh sobrang ramdam mo na na magpapasko na. Sa radyo ipinatutugtog na nila yung mga kanta. Sa mall may mga decors na rin.

Nga pala, magiging tutor ulit ako!!! Yepyep, yun yung nahanap kong sideline. Sa wakas meron na ulit, para may pera na ako sa Pasko. Well ok naman, kase talagang magaan sa loob ko ang pagtuturo, lalo na sa mga bata. Isang grade 4 at isang grade 6 ang tuturuan ko, mga lalaki. Apat na araw sa isang linggo at apat na oras sa isang araw. Naisip ko, eto rin yung ginawa ko noong nakaraang taon, sa isang high school student nga lang at sa isang subject lang - Algebra. Pero ngayon, all around - Math, Language Arts, Science and History. Tutulungan ko sila sa mga assignments nila, kase may mga trabaho yung mga magulang nila at pagdating sa bahay eh pagod na.

Nakakatuwa nga rin kase pumunta ako sa kanila kahapon at nameet ko sila. Ok na ok yung family, at nagustuhan kaagad ako ng mga bata. Hindi katulad nung nakaraang taon, dahil highschool na yung bata, parang nagka-low self-esteem sya nung kinunan sya ng mommy nya ng tutor. So ayun, sa Lunes na nga ako magsisimula. Nakakatuwa sila lalo na si Matthew, yung grade 4, kase sabi nya bakit sa Lunes pa raw ako babalik at hindi ngayong araw. Hehe. Masaya at nakuha ko kaagad ang kanyang tiwala. Sana makontrol ko sila, kase hyper sila. Pero base sa dryrun namin kahapon, madali naman silang turuan at nakukuha kaagad nila, kaya sana di ako mahihirapan.

O siya, lalangoy muna ako at para makapagexercise na rin. Ingat ang lahat! =)

No comments: