Birthday na din pala ni Colet ngayon - sa Pilipinas (August 4). Tatawagan ko siya mamaya. Since birthday niya, feature ko na lang siya dito. hehe.
Yan si Colet, isa sa mga best friends ko nung college. Siya ang dearest roommate ko nung pagraduate na kami, nang nagsimula kaming magreview for the board exams. Sayang nga eh, nung pagraduate na. Ayun, siya rin ang gimik buddy ko. Siya ang nagturo sakin uminom ng beer, kase dati hard lang ako. hahaha! What a confession! Pero totoo nga, nung nagrereview kami sa boards, magyayaya yan sa Malate. Tama ba naman magreview daw kami dun sa isang bar tapos may beer sa harap namin sabay makikinig ng music? BI talaga noh? haha. Hindi... Hindi naman yun natuloy kase naisip naming hindi nga kami makakaaral kapag ganun at wala namang may gusto samin palitan si oble sa harap ng college of nursing. hehe. Wala rin kayo dyan, kase siya ang pinakabatang konsehalang kilala ko. Fourth year pa lang kami nun, nanalo na siya bilang konsehal sa Pampanga, tsaka number 1 councilor pa. Astig! Tsaka minsan excuse yan sa duty kase may session, so nagmamake-up na lang siya sa ibang araw o minsan kapag malakas sa prof, wala ng make-up make-up pa.. hehe. Namimiss ko ang magandang kaibigan ko! Ganda niya noh? nakakatibo nga yan eh. haha! Joke. Hindi po ako obyt. Lol. =)
Happy happy birthday COLEI!!! I know you have everything na, so i'm wishing you all the happiness in life, and be safe always! Luvyah gurl!
Isa sa mga kaibigan ko ang chikadora sa batch namin (sa college), at kahapon may inilabas siyang mga panibagong blind items. In fairness, namiss namin yun, kase sa ganoong paraan nabubuhay ang yahoogroups namin. Hehe. Tatlong super hot lava news ang inilabas niya! Puro talagang mahirap hulaan, haha! Pero dahil close na close ko siya, nagets ko lahat ang mga nakasulat dun, maliban lang sa isa. At yun pa yung number 1 blind item!!! Eto yun... May ikakasal na daw sa batch namin!!! Grabe ha, talagang nasa marrying age na ba kami? Whew, pero kung sino man siya (70 lang naman kami sa batch), I'm happy for her. "Her" kase alam kong babae. Iilan lang ang lalaki namin.. 14 lang sila, at sigurado akong wala pang mag-aasawa sa kanila. hahaha. Pero may kutob na din ako kung sino, kase may naririnig na ako dati, tapos sabi ng chikadora namin eh Married daw yung status na nakalagay sa friendster at makatotohanan na daw talaga yun. Ang pinakamaganda dun ay ikakasal siya dahil sa "L" word nga talaga at hindi dahil sa ibang walang kwentang rason. Siyempre tiningnan ko naman yung guess ko at married nga siya sa friendster. Next time 'pag wala talagang magawa, buklatin ko nga lahat ng classmates ko sa friendster, hahaha!
Namimiss ko ang UPCN batch 2005. Thanks to Hiyas, kase biglang ang daming nagsagutan sa tahimik na yahoogroups namin. =) Sana naman lumabas na din yung yearbook namin noh, kase anong petsa na diba? Baka nakapag-asawa na kami't lahat-lahat, eh wala pa din. Sana by this December, na-ipublish na.
2 comments:
ganda naman ni colet? makolet den ba sya? whehehe. dang it, now i dont know which one of you i should have a crush on... decisions decisions...
anwyays, thanks for the drop-by. take care out there.
hello! wooow nice new layout! ;) ako din nagpalit, ako naman pink...HAHA pa-girl! kakamiss school life noh? samantalang nun tayo gusto natin wala sanang pasok! *sigh*
abt your post sa fashion...
yan ang fave get-up ko ngayon (inspired by koreanovelas na uso ngayon dito sa Pinas), kaya lang di ko pa mhanap guts ko kelan ko ggawin yun, haha...
Post a Comment